ASYA
REHIYUNAL NA PAGKAKAHATI NG ASYA
A. Hilagang Asya
Armenia
Azerbaijan
Georgia
Kazakhstan
Kyrgyzstan
Mongolia
Tajikistan
Turkmenistan
Uzbekistan
B. Kanlurang Asya
Bahrain
Cyprus
Iran
Iraq
Israel
Jordan
Kuwait
Lebanon
Oman
Qatar
Saudi Arabia
Syria
Turkey
United Arab Emirates (UAE)
Yemen
C. Timog Asya
Afghanistan
Bangladesh
Bhutan
India
Maldives
Nepal
Pakistan
Sri Lanka
D. Timog Silangang Asya
Brunei
Cambodia
East Timor
Indonesia
Laos
Malaysia
Myanmar
Philippines
Singapore
Thailand
Vietnam
E. Silangang Asya
China
Japan
North & South Korea
Taiwan
Ang Asya ay nagtataglay ng mga magagandang
anyong lupa at anyong tubig. Ang mga ito ay biyaya sa atin na dapat nating
pagyamanin. Katulad ng mga sumusunod:
BUNDOK-
isa pang
katawagang pang-heograpiya] ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng
paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan,
mas matarik ang bundok kaysa burol. ay isang uri ng anyong lupa na
pinagkukuhanan ng mga likas na yaman tulad ng puno, prutas, hayop, tubig at mga
mineral. Kaya dapat natin itong pangalagaan. Isang malaking kumpol ng lupa at bato,
na umuusli pataas na maihahambing sa tamang antas ng lupa o sa paligid na
kapatagan.
Malaking sukat.Isang bahagi ng lupa na nakataas o nakausbong yari sa mga bato
at lupa.Sa katutubong salita ito ang "BUKOD".Ang Sierra madre ay
"inane Bukod" o inang bundok sa ating pagbigkas. Bagaman nag-iba ang
baybay at kahulugan nito sa wikang Ingles na pang-Amerikano, nagkaroon ng tiyak na
impluho ang salitang bundok sa talahuluganan ng lengguwaheng ito. Nagmula
sa pakikipag-uganayan sa mga Tagalog ng mga sundalong Amerikano
noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang salitang boondocks [bigkas:
bun-doks]. Ang literal na kahulugan ay: mga bundok. Sa
pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na
kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na
kagubatan sa kabundukan" (Ingles: backwoods at hinterland).[4]
TANGWAY- Bagaman nag-iba ang baybay at kahulugan nito sa
wikang Ingles na pang-Amerikano, nagkaroon ng tiyak na
impluho ang salitang bundok sa talahuluganan ng lengguwaheng ito. Nagmula
sa pakikipag-uganayan sa mga Tagalog ng mga sundalong Amerikano
noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang salitang boondocks [bigkas:
bun-doks]. Ang literal na kahulugan ay: mga bundok. Sa
pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na
kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na
kagubatan sa kabundukan". Ang isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape,
promontory)[1] ay
isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga
punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo,
lupaing palabas ng dagat, punto o spit.[2] Isang halimbawa nito ay ang
Lungsod ng Cavite (Cavite
City), na dating
pangalan nito ay Tangwáy.
PULO- Ang pulo ay mas maliit sa kontinente. Hiwa-hiwalay na lupa, Isla o Island sa English ay anyong lupa na napapaligiran ng tubig . Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.
Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal. Ang Greenland ay ang pinakamalaking pulo sa daigdig[1] na may sukat na mahigit sa 2.1 million km², samantalang ang Australia, ang pinakamaliit na kontinente[2] ay may sukat na 7.6 milyon km², subalit walang pamantayang sukat na makapagsasabi at magpapaiba sa mga pulo mula sa mga kontinente,[3] o mula sa mga munting pulo.[4]
KAPULUAN- Ang kapuluan (Ingles: archipelago)
ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang
kapuluan o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit
na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang halimbawa ng
kapuluan ay ang mga bansa ng Pilipinas, Hapon, Indonesia at Nagkakaisang Kaharian. Isang anyong lupang
binubuo ng malalaka at maliit na pulo,
HEOGRAPIYA
·
Anyong
lupa at anyong tubig
·
Klima
at panahon
·
Likas
na yaman
·
Flora(plant
life)
·
Fauna(animal
life)
·
Distribusyon
at interaksyon ng tao at iba pang organism sa kapaligiran nito
Isa ang HEOGRAPIYA sa
mga salik na nakaaapekto sa daloy ng
kasaysayan. Sa katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na
humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao.
Sa Yunit na ito,
mauunawaan ang
ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan. Maiisip kung paano nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad
ang
kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay
na
pakikiayon sa kapaligiran,
nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad
na pamayanan at kalinangang kultural
na
tinawag na kabihasnan.
Ang mga sinaunang
kabihasnan sa
daigdig, partikular sa Asya, Africa, at
America, ay
nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa
lahat ng panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng
mga
tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas ang pag-unawa sa
kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga
sinaunang kabihasnang
nagtagumpay sa mga hamong
dulot ng kapaligiran
Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong
sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ngkatangiang pisikal ng
lugar kung saan naninirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang
pamumuhay.
Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na GEO o daigdig
at GRAPHIA o paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa
siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.
TEMA NG HEOGRAPIYA
·
LOKASYON-Ito ay tumutukoy sa
kaugnayan ng lokasyon sa isang lugar.
·
LUGAR-Ito ay tumutukoy sa mga
katangiang pisikal ng mga lugar katulad ng mga anyong lupa at bahaging
tubig,klima,lupa pananim at hayop.
·
INTERAKSYON
NG TAO AT KAPALIGIRAN-Ito
ay tumutukoy sa mga pagbabagong ginawa ng tao sa kanyang kapaligiran at mga
pagbabago na patuloy pang isinasagawa.
·
PAGGALAW-Ipinapaliwanag kung bakit
mahalaga ang mga galaw na ito at pinag-aaralan ang epekto sa mga lugar na
tinitirhan at nililipatan.
·
MGA REHIYON-Pinag-aaralan ng heograper
ang hitsura at mga pagkakaiba sa katangiang pisikal ng lugar.
KLIMA
Iba-iba,
depende kung saang bahagi ng Asya.
Ilang
pagsasaliksik:
·
Tag-lamig
·
Tag-ulan
·
Tag-araw
·
Tag-lagas
·
Tag-sibol
Ang
klima ay pangkaraniwang at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon sa
isang takdang lugar o
rehiyon.
ANG
MGA KONTINENTE
Ang lupalop, na nakikilala rin bilang kontinente, ay ang pinakamalaking uri ng anyong lupa. Sa daigdig, ang mga ito ay binubuo ng magkakaratig na bansa na kadalasan ay nasusukat at naitatangi dahil sa kanilang kultura, tradisyon, at teritoryo.
Ang mga kontinente ng daigdig ay ang mga sumusunod:
ASYA- Ang Asya ay ang isa
sa mga lupalop ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng
populasyon at sa lawak, sapagkat sakop nito ang 1/3 ng mundo. Sa kanluran ng
Asya matatagpuan ang lupalop ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyanya; sa timog-kanluran naman
banda ang Aprika.
EUROPA- Ang Europa ay isa sa mga pitong kontinente ng mundo. Matatagpuan sa silangan ng Europa ang mga Bulubunduking Ural at Kawkaso, ang Ilog Ural, ang Dagat Caspian, ang Dagat Itim, ng mga daluyan ng tubig na nag-uugnay sa Dagat Itim at Dagat Egeo. Sa hilaga naman, katabi ng Europa ang Karagatang Artiko at ng iba pang mga anyong-tubig. Ang Karagatang Atlantiko ay nasa kanluran naman ng Europa at ang Dagat Mediteraneo ay nasa timog ng kontinente na ito samantalang ang iba pang mga parte ng Dagat na Itim ay matatagpuan sa timog-silangan at ang iba pang daluyan ng tubig. Subalit, ang mga hangganan ng Europa ay na impluwensiyahan ng mga sanhing may kinalaman sa politika at kultura ng rehiyon.
Ang Europa, base ng laki at lawak ng lupain, ay ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa mundo na mayroong 10,180,000 kilometrong kuwadrado. Ang mga lupain ng Europa ay ang mga bumubuo ng mahigit 2% ng mundo at mahigit 6.8% ng mga lupain ng mundo. Ang Rusya ay ang pinamalaking bansa sa Europa kung pagbabasehan sa lawak at laki ng lupain at ang Banal na Lungsod ng Vaticano ay ang pinakamaliit.
AFRICA- Ang Aprika[2] (Ingles: Africa), ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.
AUSTRALIA- Ang Komonwelt ng Australiya o Australiya[1][2] (Kastila: Aus·tra·lia) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki dito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia ay isang federasyon at pinamamahalaan bilang parliamentary constitutional monarchy.
Kasama sa mga karatig bansa ng Australia ay ang Indonesia, East Timor, at Papua New Guinea sa hilaga, ang Pacific Islands sa hilagang-kanluran, at ang New Zealand sa timog-silangan.
HILAGANG AMERIKA- Ang Hilagang Amerika (Ingles: North America) ay isang kontinente sa hilagang hemisperyo ng Daigdig at halos na nasa kanlurang hemisperyo. Napapaligiran ito ng Karagatang Artiko sa hilaga, Hilagang Karagatang Atlantiko sa silangan, Dagat Caribbean sa timog-silangan, at Hilagang Karagatang Pasipiko sa timog at kanluran. Nasa 24,500,000 km² (9,460,000 sq mi) ang sakop nito, o nasa 4.8% ng ibabaw na bahagi ng planeta. Noong Hulyo 2002, tinatayang mahigit sa 514,600,000 ang populasyon nito. Ang Hilagang Amerika ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente ayon sa sakop, pagkatapos ng Asya at Aprika, at ika-apat na pinakamalaki ayon sa populasyon, pagkatapos ng Asya, Aprika at Europa.
TIMOG AMERIKA- Ang Timog Amerika (Ingles: South America) ay isang kontinente na matatagpuan sa Kanlurang Hemispero sa pagitan ng mga karagatang Pasipiko at Atlantiko.
Kadalasang tinutukoy na kabilang sa Amerika, katulad ng Hilagang Amerika, pinangalan ang Timog Amerika kay Amerigo Vespucci, na ang unang Europeo na nagmungkahi na ang Amerika ay hindi ang Silangang Kaindiyahan, ngunit isang hindi pa natutuklasang Bagong Mundo.
May laki ang Timog Amerika ng of 17,840,000 kilometro kuadrado (6,890,000 milya kuadrado), o nasa 3.5% ng ibabaw ng Daigdig. Noong 2005, tinatayang nasa 371,000,000 ang populasyon nito. Pang-apat ang Timog Amerika sa laki (pagkatapos ng Asya, Aprika, at Hilagang Amerika) at panglima sa populasyon (pagkatapos ng Asya, Aprika, Europa, at Hilagang Amerika).
ANTARTIKA- ay isang kontinente na pinapalibutan ng Katimugang Dulo ng Daigdig. Ito ang pinakamalamig na lugar sa daigdig at halos natatakluban ng yelo ang kabuuan nito. Hindi dapat ipagkamali sa Artiko, na matatagpuan sa salungat na bahagi ng planeta na malapit sa Hilagang Dulo ng Mundo.
Bagaman mababakas noong unang panahon ang mga alamat at hinala tungkol sa isang Terra Australis ("Katimugang Lupain"), naganap noong 1820 ang unang karaniwang tinatanggap na pagkita ng kontinente at noong 1821 ang unang napatunayang paglapag ng isang Rusong ekspedisyon nina Mikhail Lazarev at Fabian Gottlieb von Bellingshausen. Gayon man, isang mapa ni Admiral Piri Reis noong 1513 ang naglalaman ng isang katimugang kontinente na mayroong posibleng pagkahawig sa pampang ng Antarctica. (Tingnan din Kasaysayan ng Antarctica.)
Sa lawak na 13,200,000 km², panglimang pinakamalaking kontinente ang Antartiko, pagkatapos ng Eurasya, Aprika, Hilagang Amerika, at Timog Amerika. Gayon man, ito ang may pinakamaliit na populasyon: tunay nga, wala itong pampalagiang populasyon. Ito rin ang kontinente na may pinakamataas na karaniwang altitud, at ang may pinakamababang humedad sa mga kontinente ng Daigdig, gayon din ang pinakamababang karaniwang temperatura.
KONTINENTE
|
Lawak (km²)
|
Tinatayang Populasyon(2009)
|
BILANG NG BANSA
|
Asya
|
44,614,000
|
4,088,647,780
|
44
|
Africa
|
30,218,000
|
990,189,529
|
53
|
Europe
|
10,505,000
|
728,227,141
|
47
|
North America
|
24,230,000
|
534,051,188
|
23
|
South America
|
12,814,000
|
392,366,329
|
12
|
Antarctica
|
14,245,000
|
-NA-
|
0
|
Australia at Oceania
|
8,503,000
|
34,685,745
|
14
|
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay
lamang ng maliit na populasyon.
Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok
sa buong daigdig ay
matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa
Africa, pinakamataas ang
Kilimanjaro (19,340 talampakan
o 5,895 metro) at sa
Europe, ang Elbrus sa
Russia
(18,510 talampakan o 5,642 metro).
Bundok
|
Taas (sa metro)
|
Lokasyon
|
Everest
|
8,848
|
Nepal/Tibet
|
K-2
|
8,611
|
Pakistan
|
Kangchenjunga
|
8,586
|
Nepal/India
|
Lhotse
|
8,511
|
Nepal
|
Makalu
|
8,463
|
Nepal/Tibet
|
Cho Oyu
|
8,201
|
Nepal/Tibet
|
Dhaulagiri
|
8,167
|
Nepal
|
Manaslu
|
8,163
|
Nepal
|
Nanga Parbat
|
8,125
|
Pakistan
|
Annapurna
|
8,091
|
Nepal
|
Matagal
ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala
sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic.
Noong 2000 lamang itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa
Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60o S latitude.
Ang
ilang katangian ng mga karagatan sa daigdig.
Karagatan
|
Lawak
(sa kilometro kuwadrado)
|
Average na lalim
(sa talampakan)
|
Pinakamalalim
na Bahagi
(sa talampakan)
|
Pacific Ocean
|
155,557,000
|
12,926
|
Mariana Trench, 35,840 talampakang lalim
|
Atlantic Ocean
|
76,762,000
|
11,730
|
Puerto
Rico Trench,
28,232 talampakang lalim
|
Indian Ocean
|
68,556,000
|
12,596
|
Java
Trench, 23,376
talampakang lalim
|
Southern Ocean
|
20,327,000
|
13,100
|
(4,000 - 5,000 metro)
16,400 talampakang
lalim, ang katimugang
dulo ng South Sandwich Trench, 23,736
|
Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South
America ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang
kanlurang hangganan ng South America at North America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng
Alaska, pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang
New
Zealand sa
Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga
tectonic plate o tipak ng crust ng
daigdig kung saan
nakapatong ang
mga naturang kontinente.
Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga
ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire na pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong nagdulot ng (92,000
ang
namatay); Krakatoa noong 1883 (36,000 ang namatay); at Mt. Pelee noong
1902 (30,000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala
ng malalakas na lindol ang China noong 1556 (830,000 ang namatay) at 1976 (242,000 ang namatay); Japan noong 1923 (143,000 ang namatay); Sumatra noong 2004
(227,898 ang namatay);
at
Haiti noong 2010 (222,570 ang namatay).














Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at
rituwal
ng isang pangkat ng mga taong tungkol
sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang
o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na
nangangahulugang “buuin ang
mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan
nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob
sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na
pamumuhay.
Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsisilbing-gabay
sa kanilang
pamumuhay. Ngunit
hindi
ito katulad
ng mga
relihiyon
sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa kasaysayan ng daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking salik ito
sa pagtatag at pagbagsak
ng
mga kaharian, at pagkasawi
ng
maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng
mga
kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi
ng
buhay ng tao ang relihiyon.
LAHI/PANGKAT
ETNIKO
Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil
na rin sa maraming natatanging
paglalarawan at katangian ng
mga naninirahan dito. Isang batayan
nito
ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng
pangkat.Maraming eksperto ang bumuo
ng ibat ibang
klasipikasyon ng
mga
tao sa
daigdig, ngunit marami rin
ang nagsabing
nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon..
Sa kabilang banda, ang salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na
ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko
ay
pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kayanaman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.
HEOGRAPIYANG
PANTAO
·
Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t
ibang bahagi
ng
daigdig.
WIKA
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang
pangkat. May 7,105
buhay na wika sa daigdig na ginagamit
ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay
at
may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay
nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.6 ang ilan sa mga
pangunahing pamilya ng wika sa daigdig.
KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG
Isa ang
daigdig sa walong
planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang
araw. Bumubuo sa tinatawag na solar systemang mga ito. Ang lahat ng buhay
sa daigdig – halaman,
hayop, at tao – ay kumukuha
ng
enerhiya mula sa araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran –
mula
sa hangin, alon, ulan, klima, at
panahon – ay naaapektuhan ng araw.Mahalaga rin ang sinag
ng
araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay
sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa
solar system, patunay na ang
pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay
paikot sa araw bawat taon.
ARALIN 2
·
Ang
Mga Sinaunang Tao
Batay sa makaagham na pag-aaral
ng
pinagmulan ng tao, nakita
ang
mga ninuno ng tao may
2.5
milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang homo species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay
makiayon sa
kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon.
May tatlong pangkat ng homo species na nabuhay sa daigdig at
naging
mga ninuno
ng
mga kasalukuyang tao.
Pag-aralan ang diyagram
tungkol sa
Teorya ng Ebolusyon ng tao
mula sa pagiging
Ape hanggang sa
paglitaw ng mga homo sapiens.
·
Sa loob ng maraming
libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang
matutuhan ng
mga sinaunang tao ang pagtatanim.
Tuluyan
ding umunlad
ang
kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.
·
Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Higit
pang palalalimin at patatatagin sa
bahaging ito ang iyong kaalaman sa
pamamagitan ng kritikal at
malikhaing pag-iisip. Isang hamon
para sa iyo na makabuo ng mga
konsepto at makapagbahagi ng iyong kaalaman sa pangkatang gawain sa bahaging ito.
·
Sa bahaging ito, tatalakayin ang katuturan ng kabihasnan at ang
impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan. Gayon din ang mahahalagang pangyayari ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig.
Susuriin din ang mga aspektong humubog sa pamumuhay
ng
mga nanirahan sa mga kabihasnang ito.
Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya
Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o “pagitan” at potamos o “ilog”. Samakatuwid,
ang Mesopotamia
ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog”.
na
inaakalang lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.
Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat
ng tao, kabilang
ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at
Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan
ng iba pang mga kabihasnan.
· Heograpiya ng Mesopotamia
Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng
mga
ilog Tigris at
Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod
sa
daigdig, tinatawag na Mesopotamia ang lupaig matatagpuan sa
pagitan ng mga ilog na ito. Sa
kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi
ng
Syria at Turkey. Matatagpuan
ang Mesopotamia
sa
rehiyon ng
Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa
Persian Gulf hanggang sa
silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Ang regular na pag- apaw
ng ilog Tigris at
Euphrates
ay nagdudulot
ng baha na
nag-iiwan
ng banlik (silt). Dahil
dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim
Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng
mga karatig lugar
dahil na rin sa
mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar.
Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang
matatagpuan sa kapatagan ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa
mga sumusunod na taon, nagkaroon ng
mga pagbabago sa aspektong panlipunan,
pampulitika, at
panrelihiyon na
nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan.
Isang
halimbawa
ang Uruk na itinuturing
na isa
sa
mga
kauna-unahang lungsod
sa daigdig.