Lunes, Hulyo 14, 2014

ASYA: Mga Biyaya na Pinagkaloob


ASYA

REHIYUNAL NA PAGKAKAHATI NG ASYA

A.  Hilagang Asya

Armenia

Azerbaijan

Georgia

Kazakhstan

Kyrgyzstan

Mongolia

Tajikistan

Turkmenistan

Uzbekistan

B. Kanlurang Asya

Bahrain

Cyprus

Iran

Iraq

Israel

Jordan

Kuwait

Lebanon

Oman

Qatar

Saudi Arabia

Syria

Turkey

United Arab Emirates (UAE)

Yemen

C. Timog Asya

Afghanistan

Bangladesh

Bhutan

India

Maldives

Nepal

Pakistan

Sri Lanka

D. Timog Silangang Asya

Brunei

Cambodia

East Timor

Indonesia

 Laos

Malaysia

Myanmar

Philippines

Singapore

Thailand

Vietnam

E. Silangang Asya

China

Japan

North & South Korea

Taiwan

Ang Asya ay nagtataglay ng mga magagandang anyong lupa at anyong tubig. Ang mga ito ay biyaya sa atin na dapat nating pagyamanin. Katulad ng mga sumusunod:

BUNDOK- isa pang katawagang pang-heograpiya] ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak. Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa burol. ay isang uri ng anyong lupa na pinagkukuhanan ng mga likas na yaman tulad ng puno, prutas, hayop, tubig at mga mineral. Kaya dapat natin itong pangalagaan. Isang malaking kumpol ng lupa at bato, na umuusli pataas na maihahambing sa tamang antas ng lupa o sa paligid na kapatagan. Malaking sukat.Isang bahagi ng lupa na nakataas o nakausbong yari sa mga bato at lupa.Sa katutubong salita ito ang "BUKOD".Ang Sierra madre ay "inane Bukod" o inang bundok sa ating pagbigkas. Bagaman nag-iba ang baybay at kahulugan nito sa wikang Ingles na pang-Amerikano, nagkaroon ng tiyak na impluho ang salitang bundok sa talahuluganan ng lengguwaheng ito. Nagmula sa pakikipag-uganayan sa mga Tagalog ng mga sundalong Amerikano noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang salitang boondocks [bigkas: bun-doks]. Ang literal na kahulugan ay: mga bundok. Sa pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na kagubatan sa kabundukan" (Ingles: backwoods at hinterland).[4]

TANGWAY- Bagaman nag-iba ang baybay at kahulugan nito sa wikang Ingles na pang-Amerikano, nagkaroon ng tiyak na impluho ang salitang bundok sa talahuluganan ng lengguwaheng ito. Nagmula sa pakikipag-uganayan sa mga Tagalog ng mga sundalong Amerikano noong kapanahunan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang salitang boondocks [bigkas: bun-doks]. Ang literal na kahulugan ay: mga bundok. Sa pangkasalukuyang gamit sa wikang Ingles, nangangahulugan itong "masukal na kagubatan", "mataas at masukal na kalupaan" o "masukal na kagubatan sa kabundukan". Ang isang tangway o tangos (Ingles: peninsula, cape, promontory)[1] ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit.[2] Isang halimbawa nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay Tangwáy.

PULO- Ang pulo ay mas maliit sa kontinente. Hiwa-hiwalay na lupa, Isla o Island sa English ay anyong lupa na napapaligiran ng tubig . Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles. Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na arkipelago.

Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong artipisyal. Ang Greenland ay ang pinakamalaking pulo sa daigdig[1] na may sukat na mahigit sa 2.1 million km², samantalang ang Australia, ang pinakamaliit na kontinente[2] ay may sukat na 7.6 milyon km², subalit walang pamantayang sukat na makapagsasabi at magpapaiba sa mga pulo mula sa mga kontinente,[3] o mula sa mga munting pulo.[4]

KAPULUAN- Ang kapuluan (Ingles: archipelago) ay isang pangkat ng mga isla o pulo. Ang kapuluan o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang halimbawa ng kapuluan ay ang mga bansa ng Pilipinas, Hapon, Indonesia at Nagkakaisang Kaharian. Isang anyong lupang binubuo ng malalaka at maliit na pulo,

 




HEOGRAPIYA

·         Anyong lupa at anyong tubig

·         Klima at panahon

·         Likas na yaman

·         Flora(plant life)

·         Fauna(animal life)

·         Distribusyon at interaksyon ng tao at iba pang organism sa kapaligiran nito

 

Isa   ang   HEOGRAPIYA   sa   mga   salik   na   nakaaapekto   sa   daloy   ng kasaysayan. Sa katunayan, malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya sa pag-usbong at pagbagsak ng isang kabihasnan. Ito rin ang humubog at patuloy na humuhubog sa pag-unlad ng kabuhayan at paglinang ng kultura ng tao.

 

Sa Yunit na ito, mauunawaan ang ugnayan ng heograpiya at ng kasaysayan. Maiisip kung   paano   nilinang at ginamit ng mga prehistorikong tao ang kanilang kapaligiran upang matugunan ang mga pangangailangan at tuluyang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Dahil sa kanilang mahusay na pakikiayon sa kapaligiran, nabigyang daan ang pagtatatag ng maunlad na pamayanan at kalinangang kultural na tinawag na kabihasnan.

 

Ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, partikular sa Asya, Africa, at America, ay nag-iwan ng mga kahanga-hangang pamanang maipagmamalaki sa lahat ng panahon at nakapagbigay ng malaking kapakinabangan sa pamumuhay ng mga tao sa kasalukuyan. Sa modyul na ito, susuriin kung paano maipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng mga pamanang ipinagkaloob ng mga sinaunang kabihasnang nagtagumpay sa mga  hamong dulot ng kapaligiran

 

Malaki ang bahaging ginagampanan ng heograpiya mula pa noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan. Ang idinikta ngkatangiang pisikal ng lugar kung saan naninirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa kanilang pamumuhay.

Nagmula ang salitang heograpiya sa wikang Greek na GEO o daigdig at GRAPHIA o paglalarawan. Samakatuwid, ang heograpiya ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

TEMA NG HEOGRAPIYA

·         LOKASYON-Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng lokasyon sa isang lugar.

·         LUGAR-Ito ay tumutukoy sa mga katangiang pisikal ng mga lugar katulad ng mga anyong lupa at bahaging tubig,klima,lupa pananim at hayop.

·         INTERAKSYON NG TAO AT KAPALIGIRAN-Ito ay tumutukoy sa mga pagbabagong ginawa ng tao sa kanyang kapaligiran at mga pagbabago na patuloy pang isinasagawa.

·         PAGGALAW-Ipinapaliwanag kung bakit mahalaga ang mga galaw na ito at pinag-aaralan ang epekto sa mga lugar na tinitirhan at nililipatan.

·         MGA REHIYON-Pinag-aaralan ng heograper ang hitsura at mga pagkakaiba sa katangiang pisikal ng lugar.

 

KLIMA

Iba-iba, depende kung saang bahagi ng Asya.

Ilang pagsasaliksik:

·         Tag-lamig

·         Tag-ulan

·         Tag-araw

·         Tag-lagas

·         Tag-sibol

Ang klima ay pangkaraniwang at pangmatagalang kalagayan at katangian ng panahon sa isang takdang lugar o rehiyon.

ANG MGA KONTINENTE

Ang lupalop, na nakikilala rin bilang kontinente, ay ang pinakamalaking uri ng anyong lupa. Sa daigdig, ang mga ito ay binubuo ng magkakaratig na bansa na kadalasan ay nasusukat at naitatangi dahil sa kanilang kultura, tradisyon, at teritoryo.

Ang mga kontinente ng daigdig ay ang mga sumusunod:


 

ASYA- Ang Asya ay ang isa sa mga lupalop ng mundo. Ang Asya ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at sa lawak, sapagkat sakop nito ang 1/3 ng mundo. Sa kanluran ng Asya matatagpuan ang lupalop ng Europa; sa timog-silangan at silangan ang Awstralya at Osyanya; sa timog-kanluran naman banda ang Aprika.

EUROPA- Ang Europa ay isa sa mga pitong kontinente ng mundo. Matatagpuan sa silangan ng Europa ang mga Bulubunduking Ural at Kawkaso, ang Ilog Ural, ang Dagat Caspian, ang Dagat Itim, ng mga daluyan ng tubig na nag-uugnay sa Dagat Itim at Dagat Egeo. Sa hilaga naman, katabi ng Europa ang Karagatang Artiko at ng iba pang mga anyong-tubig. Ang Karagatang Atlantiko ay nasa kanluran naman ng Europa at ang Dagat Mediteraneo ay nasa timog ng kontinente na ito samantalang ang iba pang mga parte ng Dagat na Itim ay matatagpuan sa timog-silangan at ang iba pang daluyan ng tubig. Subalit, ang mga hangganan ng Europa ay na impluwensiyahan ng mga sanhing may kinalaman sa politika at kultura ng rehiyon.

Ang Europa, base ng laki at lawak ng lupain, ay ang pangalawang pinakamaliit na kontinente sa mundo na mayroong 10,180,000 kilometrong kuwadrado. Ang mga lupain ng Europa ay ang mga bumubuo ng mahigit 2% ng mundo at mahigit 6.8% ng mga lupain ng mundo. Ang Rusya ay ang pinamalaking bansa sa Europa kung pagbabasehan sa lawak at laki ng lupain at ang Banal na Lungsod ng Vaticano ay ang pinakamaliit.

AFRICA- Ang Aprika[2] (Ingles: Africa), ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. May sukat na mga 30,244,050 km² (11,677,240 mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mga Aprikano (lalaki) at Aprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.

AUSTRALIA- Ang Komonwelt ng Australiya o Australiya[1][2] (Kastila: Aus·tra·lia) ay ang ikaanim na pinakamalaking bansa sa mundo, ang kaisa-isang bansa na sumasakop sa isang kontinente, at ang pinakamalaki sa rehiyon ng Australasia/Oceania. Kabilang din sa teritoryo nito ang ilang mga pulo, ang pinakamalaki dito ay ang Tasmania, na nagsisilbing isang estado ng Australia. Ang Australia ay isang federasyon at pinamamahalaan bilang parliamentary constitutional monarchy.

Kasama sa mga karatig bansa ng Australia ay ang Indonesia, East Timor, at Papua New Guinea sa hilaga, ang Pacific Islands sa hilagang-kanluran, at ang New Zealand sa timog-silangan.

HILAGANG AMERIKA- Ang Hilagang Amerika (Ingles: North America) ay isang kontinente sa hilagang hemisperyo ng Daigdig at halos na nasa kanlurang hemisperyo. Napapaligiran ito ng Karagatang Artiko sa hilaga, Hilagang Karagatang Atlantiko sa silangan, Dagat Caribbean sa timog-silangan, at Hilagang Karagatang Pasipiko sa timog at kanluran. Nasa 24,500,000 km² (9,460,000 sq mi) ang sakop nito, o nasa 4.8% ng ibabaw na bahagi ng planeta. Noong Hulyo 2002, tinatayang mahigit sa 514,600,000 ang populasyon nito. Ang Hilagang Amerika ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente ayon sa sakop, pagkatapos ng Asya at Aprika, at ika-apat na pinakamalaki ayon sa populasyon, pagkatapos ng Asya, Aprika at Europa.

TIMOG AMERIKA- Ang Timog Amerika (Ingles: South America) ay isang kontinente na matatagpuan sa Kanlurang Hemispero sa pagitan ng mga karagatang Pasipiko at Atlantiko.

Kadalasang tinutukoy na kabilang sa Amerika, katulad ng Hilagang Amerika, pinangalan ang Timog Amerika kay Amerigo Vespucci, na ang unang Europeo na nagmungkahi na ang Amerika ay hindi ang Silangang Kaindiyahan, ngunit isang hindi pa natutuklasang Bagong Mundo.

May laki ang Timog Amerika ng of 17,840,000 kilometro kuadrado (6,890,000 milya kuadrado), o nasa 3.5% ng ibabaw ng Daigdig. Noong 2005, tinatayang nasa 371,000,000 ang populasyon nito. Pang-apat ang Timog Amerika sa laki (pagkatapos ng Asya, Aprika, at Hilagang Amerika) at panglima sa populasyon (pagkatapos ng Asya, Aprika, Europa, at Hilagang Amerika).

ANTARTIKA- ay isang kontinente na pinapalibutan ng Katimugang Dulo ng Daigdig. Ito ang pinakamalamig na lugar sa daigdig at halos natatakluban ng yelo ang kabuuan nito. Hindi dapat ipagkamali sa Artiko, na matatagpuan sa salungat na bahagi ng planeta na malapit sa Hilagang Dulo ng Mundo.

Bagaman mababakas noong unang panahon ang mga alamat at hinala tungkol sa isang Terra Australis ("Katimugang Lupain"), naganap noong 1820 ang unang karaniwang tinatanggap na pagkita ng kontinente at noong 1821 ang unang napatunayang paglapag ng isang Rusong ekspedisyon nina Mikhail Lazarev at Fabian Gottlieb von Bellingshausen. Gayon man, isang mapa ni Admiral Piri Reis noong 1513 ang naglalaman ng isang katimugang kontinente na mayroong posibleng pagkahawig sa pampang ng Antarctica. (Tingnan din Kasaysayan ng Antarctica.)

Sa lawak na 13,200,000 km², panglimang pinakamalaking kontinente ang Antartiko, pagkatapos ng Eurasya, Aprika, Hilagang Amerika, at Timog Amerika. Gayon man, ito ang may pinakamaliit na populasyon: tunay nga, wala itong pampalagiang populasyon. Ito rin ang kontinente na may pinakamataas na karaniwang altitud, at ang may pinakamababang humedad sa mga kontinente ng Daigdig, gayon din ang pinakamababang karaniwang temperatura.

 

 
KONTINENTE
 
Lawak (km²)
Tinatayang Populasyon(2009)
 
BILANG NG BANSA
Asya
44,614,000
4,088,647,780
44
Africa
30,218,000
990,189,529
53
Europe
10,505,000
728,227,141
47
North America
24,230,000
534,051,188
23
South America
12,814,000
392,366,329
12
Antarctica
14,245,000
-NA-
0
Australia at Oceania
8,503,000
34,685,745
14

Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa, pinakamataas ang  Kilimanjaro (19,340 talampakan  o  5,895  metro) at sa Europe,    ang    Elbrus    sa    Russia    (18,510    talampakan    o    5,642    metro).

 
Bundok
 
Taas (sa metro)
 
Lokasyon
Everest
8,848
Nepal/Tibet
K-2
8,611
Pakistan
Kangchenjunga
8,586
Nepal/India
Lhotse
8,511
Nepal
Makalu
8,463
Nepal/Tibet
Cho Oyu
8,201
Nepal/Tibet
Dhaulagiri
8,167
Nepal
Manaslu
8,163
Nepal
Nanga Parbat
8,125
Pakistan
Annapurna
8,091
Nepal

Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic.   Noong 2000 lamang   itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica:  ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60o S latitude. Ang ilang katangian ng mga karagatan sa daigdig.

 
Karagatan
Lawak
(sa kilometro kuwadrado)
Average na lalim
(sa talampakan)
Pinakamalalim na Bahagi
(sa talampakan)
 
Pacific Ocean
 
155,557,000
 
12,926
 
Mariana Trench, 35,840 talampakang lalim
 
Atlantic Ocean
 
76,762,000
 
11,730
 
Puerto Rico Trench,
28,232 talampakang lalim
 
Indian Ocean
 
68,556,000
 
12,596
 
Java Trench, 23,376 talampakang lalim
 
Southern Ocean
 
20,327,000
 
13,100
 
(4,000 - 5,000 metro)
16,400 talampakang lalim, ang katimugang dulo ng South Sandwich Trench, 23,736

Ang malawakang hangganan ng Asya, North America, at South America ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire. Saklaw nito ang kanlurang hangganan ng South America at North America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska, pababa sa silangang hangganan ng Asya hanggang  New Zealand sa Timog Oceania. Tinatawag itong Ring of Fire dahil matindi ang pagputok ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-uumpugan ng mga tectonic plate o tipak ng crust ng daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang kontinente.

Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire na pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong nagdulot ng (92,000 ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36,000 ang namatay); at Mt. Pelee noong

1902 (30,000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang labis na napinsala ng malalakas na lindol ang China noong 1556 (830,000 ang namatay) at 1976 (242,000 ang namatay); Japan noong 1923 (143,000 ang namatay); Sumatra noong 2004 (227,898 ang namatay); at Haiti noong 2010 (222,570 ang namatay).

RELIHIYON

Mabibigyang-kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare na nangangahulugang buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.

Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga paniniwala na nagsisilbing-gabay  sa  kanilang  pamumuhay.  Ngunit  hindi  ito  katulad  ng  mga relihiyon   sa kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa kasaysayan ng daigdig, naging malaki ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan. Naging malaking salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay. Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon.

LAHI/PANGKAT ETNIKO

Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.Maraming eksperto ang bumuo ng ibat ibang  klasipikasyon  ng  mga  tao  sa  daigdig,  ngunit  marami  rin  ang  nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon..

Sa kabilang banda, ang salitang “etniko ay nagmula sa salitang Greek na

ethnos na nangangahulugang mamamayan.” Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kayanaman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.

 

 

HEOGRAPIYANG  PANTAO

·         Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

WIKA

Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita sa talahanayan 1.6   ang ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig.

 

KATANGIANG PISIKAL NG DAIGDIG

Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang araw. Bumubuo sa tinatawag na solar systemang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig halaman, hayop, at tao ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayon, halos lahat sa kalikasan at kapaligiran mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon ay naaapektuhan ng araw.Mahalaga rin ang sinag ng araw sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala, ang mga halamang ito ay nagbibigay ng  oxygen na  mahalaga  sa  lahat ng  nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito sa solar system, patunay na ang   pag-inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon.

ARALIN 2

·         Ang Mga Sinaunang Tao

 

Batay sa makaagham na pag-aaral ng pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas. Sila ang homo species (homo na nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang panahon.

May tatlong pangkat ng homo species na nabuhay sa daigdig at

naging mga ninuno ng mga kasalukuyang tao. Pag-aralan ang diyagram tungkol sa Teorya ng Ebolusyon ng tao mula sa pagiging Ape hanggang sa paglitaw ng mga homo sapiens.

 

·         Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain. Dakong 12,000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding  umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato. Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.

·         Sa puntong ito, mayabong na ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Higit pang palalalimin at patatatagin sa bahaging ito ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng kritikal at malikhaing pag-iisip. Isang hamon para sa iyo na makabuo   ng   mga   konsepto   at   makapagbahagi   ng   iyong   kaalaman   sa pangkatang gawain sa bahaging ito.

·         Sa bahaging ito, tatalakayin ang katuturan ng kabihasnan at ang impluwensiya ng heograpiya sa pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan. Gayon din ang mahahalagang pangyayari ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Susuriin din ang mga aspektong humubog sa pamumuhay ng mga nanirahan sa mga kabihasnang ito.

Ang Kabihasnang Mesopotamia sa Kanlurang Asya

Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o “pagitan at  potamos  o  ilog”.  Samakatuwid,  ang  Mesopotamia  ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog”. na inaakalang lunduyan ng unang kabihasnan. Ang Mesopotamia ay itinuturing na kauna-unahang kabihasnan sa buong daigdig.  Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang   ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nagtangka ring sakupin ang lupaing ito. Sa paglipas ng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan.

·       Heograpiya ng Mesopotamia

Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan    ng    mga    ilog    Tigris    at Euphrates    ang    kauna-unahang    mga lungsod    sa    daigdig,    tinatawag    na Mesopotamia ang lupaig matatagpuan sa pagitan    ng    mga    ilog    na    ito.    Sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey. Matatagpuan ang  Mesopotamia  sa  rehiyon  ng  Fertile Crescent,    isang    paarkong    matabang lupaing   nagsisimula   sa   Persian   Gulf hanggang   sa   silangang   baybayin   ng Mediterranean Sea. Ang regular na pag- apaw  ng   ilog  Tigris  at  Euphrates  ay nagdudulot  ng  baha  na  nag-iiwan  ng banlik  (silt).  Dahil  dito,  nagiging  mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim

Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar.

Sa mga taong 5500 B.C.E., daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang matatagpuan sa kapatagan  ng hilagang  Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan. Bunga ng pag-unlad ng lipunan sa

mga sumusunod na taon, nagkaroon ng mga pagbabago sa aspektong panlipunan, pampulitika, at panrelihiyon na nagdulot ng sentralisadong kapangyarihan. Isang halimbawa  ang  Uruk  na  itinuturing  na  isa  sa  mga  kauna-unahang  lungsod  sa daigdig.